let the posts speak for themselves

this is my world

a world where everything is possible

a world where the outcasts are given their own voice


a world where the unknown are free to roam

this is where your dreams are turned into realities

Followers

sagot ni master bob






at dahil ako nga'y nababagot...nabubuwiset..nabuburyong, ilabas na ang kakulitan!

salamat master bob sa makabuluhang pahayag..

;)

salamat sa iyo, efren

salamat sa iyo

dahil pinatunayan mong kaya nating simulan ang isang pagbabago

nang hindi nagmamalaki kung ano ang kakayanan mo

'===================

nakatakda sana akong magsulat ngayong oras na ito ukol sa galit sa isang tao.subalit sa pagbubukas ko ng site ng cnn, ito ang bumulaga sa akin. nakilala ko na ng personal si efren penaflorida bago pa man siya na-nominate sa cnn heroes of the year. maraming salamat efren.maraming salamat sa iyong kariton klasrum.

recuerdo

darating ang panahon
muling aawit ang langit
ang pananangis ng bawat tala
ay aamuin ng mga ulap

darating ang panahon
tinig moy malilimot
ang bawat hinagpis ng hangin
ay yayapusin ng awit ng mga ibon

darating ang panahon
ako'y muling makatatayo
ang bawat sugat ng puso
ay hihilumin ng mga susunod na yugto

darating ang panahon
ang langit ay liliwanag na rin
at ang bakas ng mapait mong paglisan
ay iiwan kasama ng mga luha ng nakaraan




ang panaghoy ng mga kabaro't saya ni pacifica, tonette macho, at ada : the plight of 'Ang Ladlad'


'ang patas na karapatan at pantay na pagkilala ng lipunan ay hindi lamang dapat ilaan para sa iilan'

ikatlo ng marso, taong isang libo siyamnaraan siyamnaput lima, nilagdaan ng nuo'y nakaupong pangulo ng bansa na si Fidel Valdez Ramos ang republic act 7941 o AN ACT PROVIDING FOR THE ELECTION OF PARTY-LIST REPRESENTATIVES THROUGH THE PARTY-LIST SYSTEM, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR.

layon ng naturang batas na ipatupad ang pagbuo ng party-list system na siyang magbibigay ng pagkakataon sa isang grupo o sektor na magkaruon ng puwesto sa kamara de representantes at maisulong ang kapakanan ng grupo o sektor na kaniyang kinakatawan(section 2)

subalit ang tanong, sino ba ang karapat-dapat maaprubahan ang petisyon para kilalanin at makatakbo sa ilalim ng party list accredidation?

sa article 3 o definition of terms ng republic act 7941, nakasaad na maaring mahain ng petisyon ang anumang 'national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions ' na nakarehistro sa Commission on Elections. maaari ring makibahagi ang mga tinatawag na 'component party or organization' ng isang coalition hanggat hindi nagiging bahagi ng party list system ang kinabibilangan nitong coalition

sa simpleng salita, ang mga inaaprubahang partylist groups ay kumakandidato para maiboto at mabigyan ng puwesto sa kamara de representantes na ang tanging layunin ay matugunan ang mga partikular na pangangailangan ng sektor na kaniyang kinakatawan

maaring itanong ng ilan, bakit kailangan pa ng ganito, gayung trabaho naman iyon ng mga kongresista?

nakalulungkot isipin na sa modernong panahon ngayon, maraming sektor pa rin ang hindi nabibigyang tinig at pagkilala ng lipunan at mabigyan ng sapat na proteksyon ng batas

kung ang mga pangunahing tinututukan ng mga kongresista ay ang mga pangangailangan ng distritong kaniyang nasasakupan (sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga panukalang batas na mapapakinabangan ng nakararami), ang mga kongresistang mauupo sa kamara sa ilalim ng party list naman ay nakatuon sa sektor niya (e.g. pangunahing tinututukan ng gabriella partylist ay ang kapakanan ng mga kababaihan)

dito ngayon pumapasok ang mainit na debate sa pagkakabasura ng petisyon ng grupong Ang Ladlad.

ika-labing isa ng nubyembre, inilabas ng Comelec second division (sa ilalim ni Commissioner Nicodemo Ferrer) ang resolusyon na nagbabasura sa petisyon ng grupo ng mga bakla, tomboy at yaong tinatawag na 'transgenders'.pirmado ito ni presiding commissioner ferrer at dalawa pang kasamahan na sina elias yusoph at lucenito tagle

nakasaad sa desisyon na ibinabasura nila ang petisyon ng grupo sa ilalim ng mga sumusunod na dahil (copied as is) 'Despite the foregoing, however, this Petition is dismissible on
moral grounds...' (last paragraph, fourth page of the decision)

kasama sa naging batayan ng naturang desisyon ay ang mga sumusunod:

*petitioner tolerates immorality which offends religious beliefs. (ginamit na batayan ang Paul's letters to the Romans 1:26, 27 at maging ang ilang bersikulo sa Koran)


*Petitioner should be denied accreditation not only for
advocating immoral doctrines but likewise for not being truthful when
it said that it "or any of its norninees/party-list representatives have
not violated or failed to comply with laws, rules, or regulations
relating to the elections'!

nakasaad pa sa walong pahinang desisyon 'Furthermore, should this Commission grant the petition, we will be exposing our youth to an environment that does not conform to
the teachings of our faith.' ginamit nilang batayan ang mga turo ni lehman strauss

nagtatapos ang desisyon sa ganitong mga kataga-


We are not condemning the LGBT, but we cannot compromise
the well-being of the greater number of our people, especially the
youth.
WHEREFORE, premises considered, this Petition is hereby
DISMISSED.




hindi ako isang abugado para kuwestyunin ang mga pahayag ng mga nakapag-aral ng batas na tulad ng ponente ng desisyong ito.


hindi rin ako opisyal na miyembro ng Ang Ladlad upang tawagin ang lahat ng kabaro't saya para sabay sabay na magtaas ng kilay sa harapan ng tanggapan ng Comelec bilang protesta. (oo, kaya naming gawing magprotesta sa pinakamalikhaing paraan... we can even do stuff that can put celia rodriguez and cherie gil into shame)


subalit hindi rin ako bulag para hindi matukoy ang malinaw na mga pagkakamaling nagawa ng nagsulat ng desisyong ito


una, malinaw na nakasaad sa article three (definition of terms) ng republic act 7941 kung ano ang isang sectoral party (an organized group of citizens belonging to any of the sectors enumerated in Section 5 hereof whose principal advocacy pertains to the special interests and concerns of their sector) at sectoral organization (a group of citizens or a coalition of groups of citizens who share similar physical attributes or characteristics, employment, interest or concerns)


sapat nang kahulugan iyon upang bigyan ng pagkakataon ang sektor ng mga bakla, tomboy at transgenders ng boses sa kamara.


mabuti pa ang mga kasambahay, mayruong magna na carta na maaring magbigay proteksyon sa kanila.


subalit ang mga parlorista sa kanto, ang mga mujer na kulang na lang pasukin ang lahat ng raket mayruon lamang maipantustos sa kumakalam na sikmura, ang mga machong bakla sa mga call center na napipilitang maging matikas upang hindi mapagtawanan...maging ang mga stand up comedian na palaging nagbibigay aliw kapag may gimik nights...hanggang kailan sila maghihintay para magkaroon ng batas na magbabantay sa kanilang karapatan?


nakatatawang isipin na kung sa amerika kamakailan ay ipinasa ang isang batas na siyang nagpapalawak ng proteksyon ibinibigay sa mga PLU, dito sa atin, patuloy na idinidikit ang ating kalagayan sa salitang 'imoral'


isang 'marginalized sector' ang mga bakla, tomboy at transgenders sa ating bansa sapagkat hindi ito nabibigyan ng sapat at pantay na pagkakataon sa lipunan


oo, nagkalat ang mga bakla at tomboy saan man, subalit kailan hindi na magiging usapin ang pag-amin ng isang indibidwal na siya ay bakla o tomboy? naniniwala akong sa pagkilala sa Ang Ladlad bilang isang party list group ang magbubukas ng pinto para diyan


pangalawa, ang pagtukoy sa mga turo ng relihiyon bilang basehan ng pagbasura ng petisyon. malinaw na nakasaad sa saligang batas na magkahiwalay ang tungkulin ng gubyerno at simbahan

hindi ko na palalawigin pa ang paliwanag ng puntong iyan sapagkat isa yan sa malinaw na pagkakamaling nalaktwan ng mga taga-Comelec second division


pangatlo, ang pag-uugnay sa sektor ng mga bakla, tomboy at transgenders sa imoralidad.nakasaad sa unang talata ng ika-anim na pahina ng desisyon ang pangungusap na ito--Petitioner should be denied accreditation not only for advocating immoral doctrines. sa puntong ito, ano ba ang malinaw na rekusitos upang matawag na mayruong tamang moralidad ang isang grupo ng indibidwal? kung gagamitin ang naturang batayan sa lahat ng naghahain ng certificate of candidacy, disin sana'y walang kahit na sinumang pulitiko na naka-upo sa puwesto. anong konstekto ng ideya/termino na 'moralidad' para sabihing ang mga babae at lalaki lamang ang nasakop niyon? hindi ba't nagkaroon na ng REPUBLIC ACT 9262...isang batas na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihan at menor de edad. nagkaroon na rin ng women's desk ang mga istasyon ng pulis. sino ang nasa likod ng pananakit ng mga kababaihan at mga menor de edad? hindi ang mga bakla, tomboy at transgenders


pangatlo, at ang pinaka-obvious na pagkakamali ng mga nagponente ng desisyon.nakaligtaan yata ng mga ito ang tinatawag na 'fallacy' na kalimitang itinuturo sa araling Logic o kaya naman ay sa Argumentation and Debate. ang desisyon ng Comelec second division ay puno ng mga pahayag na kuwestyunable ang lohika. narito ang halimbawa ng mga iyon--



*This definition of the LGBT sector makes it crystal clear that petitioner tolerates immorality which offends religious beliefs--fallacy of Argumentum ad hominem (malinaw na inaatake ng pahayag ang pagka-bakla/tomboy ng LGBT community)


*Petitioner should be denied accreditation not only for advocating immoral doctrines...--appeal to illogical premises (if such statement is indeed acceptable, bakit hindi ito ginamit para sa bantay party list?)


"The 'ANG LADLAD' apparently advocates sexual immorality as indicated in the Petition's par. 6F: 'Consensual partnerships or relationships by qays and...'--Assumptio non-probata...

'Furthermore, should this Commission grant the petition, we will be exposing our youth to an environment that does not conform to the teachings of our faith...'--Argumentum ad verecundiam..sino nga ba si lehmann strauss at ano ang magagawa niya para mapagbuti ang kalagayan ng lipunan ng mga pilipino?

'We are not condemning the LGBT, but we cannot compromise the well-being of the greater number of our people, especially the youth...WHEREFORE, premises considered, this Petition is hereby DISMISSED.'--Non sequitur,Assumptio non-probata , petitio principii at higit sa lahat, fallacy of ignorantio elenchi


sa kabuuan, simple lang ang aking pananaw sa usaping kinakaharap ng bawat pacifica, tonnette macho, ada at mark ng ating lipunan. ang pagkilala sa karapatan ng mga bakla, tomboy at mga tinatawag na transgenders na mabigyan ng pagkakataong kumandidato sa ilalim ng partylist elections ay hindi paglalagay sa panganib ng karapatan ng bawat lalaki at babae. sa katunayan, isa itong maliit na hakbang para magkaroon ng tunay na pagkilala sa bawat LGBT na bahagi sila ng lipunan

oo aminado ako na mayruong mga bakla at tomboy na kuwetyunable ang mga ginagawa. subalit ang maling mga ginagawa nila ay hindi humuhubog sa kanilang sexual orientation nila. nagkamali sila dahil nagkamali sila. hindi dahil sa sila'y bakla o tomboy. at kung igigiit rin lang naman ng ilan sa lipunan na ang ganuong argumento, bakit hindi tingnan ang mga lalaki at babaeng imoral?
kung ang basehan rin lang ng imoralidad ay ang mga kalaswaan, hindi ba mas malala ang kalaswaan na ginagawa ng ILANG kalalakihan at mga kababaihan?

hindi malalagay sa pahamak ang mga babae at lalaki sakali mang pagbigyan ng comelec ang Ang Ladlad na kumandidato para sa partylist elections. kung totoo man ang biro ni Commissioner Ferrer na hindi na kailangan pa ng party list ang mga bakla at tomboy sa kamara dahil marami naman duon ang aming kabaro't saya, hindi ba niya naisip na naruruon ang mga iyon hinid bilang kinatawan ng aming sektor, kundi bilang kinatawan ng distritong kanilang pinagmulan.

sa kabuuan, nawa'y maging bukas ang isipan, hindi lang ng mga taga-comelec, kundi ng buong lipunan na ang karapatan ni adan at eba, ay karapatan din ng mga kabaro't saya ni
ada





kopya ng comelec second division na na siyang nagbabasura sa petition for accreditation ng grupong Ang Ladlad: (wala ang ika-anim na pahina ng desisyon)http://www.comelec.gov.ph/resolutions/2010natl_local/spp_09_228.pdf

kopya ng republic act 7941:
http://www.chanrobles.com/republicactno7941.htm

isang pagpupugay sa alagad ng sining na si BOB ONG

kung ang husay ni master bob sa pagsusulat ay susumahin sa isang salita, ito yun….


(sapagkat hindi pa naiimbento ng mga alagad ng balarila at retorika ang salitang lubos na magsasabuhay ng angking telento ng henyong ito)


naging palaisipan kung sino nga ba si bob ong. para sa akin, hindi na kailangang pagdebatihan pa kung sino s’ya. swerte ang pilipinas at sa kanyang lahi nagmula ang isang henyo na katulad niya.

isang henyo na mas piniling gamitin ang pluma upang ipakilala sa mga pilipino ang ibat ibang aspeto ng kaniyang pagkatao sa paraang kailanman ay hindi mo matatagpuan sa mga aralin sa loob ng paaralan

ayokong sabihin na isa akong panatiko ni master bob (sapagkat minsan na n’yang nabanggit na ayaw n’yang iniidolo s’ya).

kung may salita na mas makakapagsabi ng damdamin ko tungkol dito, pakitulungan po ako dahil hindi ko alam kung ano ang salitang higit pa sa pagiging panatiko, pero hindi naman lalampas sa pagkakaroon ng obsesyon.

hindi ko idolo si master bob. idolo ko ang kanyang paraan ng pagsusulat. bibihira ang nagkaroon ng kakayahan na makapagsulat ng mga bagay na kayang sakyan pareho ng mga elitista at nang mga mangmang.

iilan ang may kakayahan na mag-ugnay sa iba’t ibang sektor ng lipunan (at hindi n’ya kinailangang makipagbasagan ng mukha sa mga banyaga, pahangain ang kung sino sinong dayuhan sa pamamagitan ng awit na sila mismo ang lumikha o makipagsabayan sa mga babaeng labas ang kuyukot sa pagsagot ng ‘world peace’)

hindi ko kilala ng personal si master bob, subalit naisalamin n’ya sa kanyang mga likha ang mga bagay at pangyayaring aking naranasan (at batid kong naranasan din ng karamihan)

hindi sapat ang salitang SALAMAT para magbigay pugay sa alagad ng sining na ito. nang dahil sa kanya, marami ang tumingala sa ating mga likhang sining sa panulat. at patuloy ang pag-aasam ng marami na magkaroon pa ng marami pang manunulat na tulad n’ya.

master bob,salamat.

======================
mula kaninang alas siyete ng umaga, wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa ng lahat ng libro ni bob ong

hindi na mahalaga sa akin kung may katotohanan man o wala ang sinasabi nilang si bob ong ay isang collective effort ng mga makukulit ang utak na manunulat

hindi na rin mahalaga kung ang kapitan sino ay tila isang modernong bersyon ng pabulang 'alamat ng gubat' na unang inilathala ni bob ong

ang mahalaga ay ang masinsin at makabuluhang paglalarawan ng may akda sa ibat ibang aspeto ng pagka-pilipino...

...na hindi mo kailanman matatagpuan sa anumang libro ukol sa sibika, kultura, o maging sa kasaysayan ng bansa

wanted:border wins 7 trophies in 5th cinema one originals


WANTED: BORDER wins seven trophies in the fifth Cinema One Originals Awards held last November 15, at the Dolphy Theater in ABS-CBN.


The film won Best Film, Best Screenplay and Best Director, for writer-director Ray Defante Gibraltar. When Direk Ray accepted his first trophy, he spoke in Hiligaynon (native tongue of Iloilo where the film was shot), and during his second speech, he spoke in Tagalog.


Gibraltar thanked his mother from whom he draws inspiration, his staff, the stars and crew of Wanted: Border, his supporters in Iloilo, and everyone who helped him turn his film into reality.


Award-winning writer Ricky Lee and Cinema One head Ronald Arguelles presented the award for Best Film. According to the jury, Wanted: Border won for its "malikhaing pagsasanib ng mga yugto ng buhay ng isang aswang" and how it captures the "nakaraang marahas na pagdanas ng incest, torture sa panahon ng diktaturya, at ang hindi na maibabalik na pagtatangkang mamuhay ng tahimik sa kasalukuyan."


The film's star, Rosanna Roces received her second Best Actress Award for playing Mama Saleng, a flesh-eating aswang who kills her boarders, cooks the mutilated flesh, and later on serves the meat in her Iloilo eatery. As she prepared her speech, Osang jokingly asked the crowd if she could render a long speech, since it had been many years since she accepted her last award. Rosanna was last honored by Gawad Urian as Best Actress for the 2001 film La Vida Rosa.Wanted: Border also received awards for Best Production Design (Al Alacapa, Winston Lazaro and Allan Hilado); Best Music (Malik Lopez and Eric Romulo), and Best Cinematography (Ogi Sugatan).


'=========================
itay, ako'y lubos na nagagalak sa iyong nakamit na parangal
at dahil ako nga ang tinagurian mong alibughang anak sa lahat ng iyong naging alaga sa mundo ng teatro, hindi ako nakarating sa premier night ng iyong pelikula
alam mo namang mahina ang aking sikmura sa mga pelikulang may kinalaman sa horror
itay, muli tayong magkikita at gagawa ng makabuluhang mga pelikula
huwag kang mag-alala, hindi ako bibili ng baril ngayong pasko.
naalala kong lubos mo akong nasermunan nang mabalitaan mo nuon na nais kong magkaroon ng baril
itay, magkakasama muli tayo
baka tumawag ako sa iyo sa araw ng aking pahinga sa trabaho
isa lang ang pakiusap ko
huwag mo naman akong kausapin sa hiligaynon
alam mo namang hindi pa ako marunong sa lenggwaheng iyon
ashite masu, gibraltar sensei!

full circle

You turned and walk away
I didn't know what to say
I closed my eyes to hide
The pain I felt inside


it started and ended on a sour note

it all started when i discovered that my hubby was taken

not just taken.

he's married.

and fathered a child.

i almost died in pain.

ive got nobody to turn to.

nobody knows our situation.

so i was left standing in the middle of nowhere

told myself i'd create my own world.

a world where only the rightful ones deserve to know the real me.

so i created a facade.

a facade so strong nobody knew the real me was hiding inside


When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to

as years passed

i was able to move on

heard from the grapevine he was looking for me

hoping to win me back

but i said to myself, once is enough

in the end, im still proud

he hasnt touched me

the way lovers do

good thing i was able to discover the truth even before i gave in


Now I'm left here all alone
A heart without a home
How will I ever find
The love I left behind


the journey was painful

being single was fine with me

but being single and alone is a different case

but still, i went on with my journey

i met a few others.

but cupid's arrows were too meek to stay

so i just decided to admit it was not meant for me anyway


Now you don't even care
And there's still nothing I can do


so i opened my heart and let friends come in

i met some that eventually became my drinking buddies

i even met some who become important allies

i met some people whom i have given much importance

just when i have given up my faith on love,


i met somebody who would eventually sweep me off my feet

an older colleague had sensed i was starting to fall for someone

but i vehemently denied it

the guy became my life

and at times when i would be burdened, he will lift me up

he would also give me money whenever i would be cash strapped

i never wrote about it.

after all, whatever the two of us had shared

should be left for us to share alone

yes, we had intimate moments

but i never gave in

just as i was about to give in to his requests,

here comes another dillemma i had to face

he admitted his wife just gave birth

and it's a baby boy

it's history once again


Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over


as soon as reality has struck my senses, i approached one of my friends

i started opening up.

and showed him the real me

i explained why i decided to create a mask

...to protect whatever was left of me

...to let all the pain heal

but maybe we dont belong to the same dimension

he never understood why i opted to let myself suffer from the cruelty of other people

i only had a simple explanation

'if people can love me at my worst, then definitely, they deserve to be at my best'

if they could see beyond what their eyes can see, it means they can see the real me

but he never understood

all i wanted was some comfort

an ear to listen

but, instead of having the comfort i was looking for,

he mentioned his angst towards the cruel world


i understand how he felt

but nevertheless i was left demoralized

looking back, still feel the pain in my heart

discovering how my beau cheated on me

and how a friend refused to recognize the real me.

it is on that very moment

i decided to start a new chapter in my life



When I'm done forgetting you
You can say what you wanted to
Please don't ask me to pretend
`Cause I know it's over now



guess it's true.

it's so sad to be free








as of now, i still refuse to talk to my former beau. the pain is still there. as for my friend, i dont see any reason for me to give up and walk away from him because of that. he will always be my bro. yes, till now, he doesn't know what i went through. and i dont blame him if he chose to show me how cruel the world has become at a wrong time. everyone has his own reasons for the things they do. i may not understand why.but in the end, what matters is how i value the friendship we share.